All about Handheld Gaming Pinoy

 

 

Mar 5, 2007

Binibining Pilipinas winners..


Binibining Pilipinas winners (from left) Nadia Lee Cien Shami, Margaret Wilson and Ana Theresa Licaros beam after being declared the country’s bets to the Miss International, Miss World and Miss Universe pageants, respectively, at the Araneta Coliseum Saturday

Mar 2, 2007

Epekto ng trabaho sa pangliligaw..

Ayon sa artikulong nabasa ko na ang epektibong panliligaw ay may malaking kaugnayan sa ating hanapbuhay. Sabihin pa nga ba, mas madaling makapagpapasagot ng tsikas ang isang pogi na may permanenteng trabaho.

Kung jobless tayo, mahirap ang manligaw, una’y wala tayong pagkukunan ng konting panggastos sa pagdiskarte. Halimbawang sinundo mo mula sa paaralan o opisina ang tsikas na liligawan mo, kailangang may pera ka rin na sobra sa pamasahe ninyo.

Kapag ang babae ay nagparinig na gusto niyang magmeryenda kayo, malaki ang tsansang may gusto siya sa iyo at gusto niya na kayo’y mag-usap nang sarilinan. Pero paano kung kulang nga ang dala mong pera? Hindi mo na lang papansinin ang kanyang pagpaparinig. Suwerte na, naging bato pa.

Pangalawang dahilan kung bakit mas preperableng may trabaho ka na bago ka manligaw ay ang katotohanang mas gusto ng mga babae ang lalaking dependable.

Gayunman, ang pinakaepektibong step sa pagligaw ay kailangang seryoso ka sa babaing nililigawan mo. Kailangang maipadama mo sa kanya na siya ang pinakaimportanteng nilalang sa iyong buhay. Dapat madama ng babae na handa mo siyang pakasalan, na ang lahat ay gagawin mo lumigaya lamang siya.

Kahit na simpleng pagkakaibigan lang, malaki ang papel na ginagampanan ng sinseridad ng relasyon.

Ganoon din sa panliligaw, kahit hindi mo masyadong deserved ang pag-ibig ng isang babae, kahit marami kang shortcomings at kapintasan, posibleng mapaibig mo ang isang babae oras na ma-feel niya na siguradung-sigurado siya sa pag-ibig mo. Be sincere. Be honest. Be serious about it. Ito ang pinaka-effective na paraan sa pagpapaibig ng babae. Huwag na kayong magtaka kung bakit ganito pala ka-obvious ang inyong nababasa.

Wala na talagang tatalo pa sa kung ano ang totoo lang. Loka-loka na lang ang babaing magkakagusto sa isang lalaking gusto lang makadenggoy. Kung sabagay, marami ring babae ang nasisira nang dahil sa bolerong manliligaw. Pero marami namang lalaki ang natotodas sa panloloko ng babae.

Kaya ang dapat ninyong tandaan tungkol sa epektibong panliligaw ay itong panghuling step. Katapatan. Ibig sabihin, huwag ninyong gagamitin sa panloloko ng babae ang mga ibinibigay naming tip tungkol sa bagay na ito.

Ilan sa atin kapag nakatabi ng magandang tsikas sa loob ng dyipni o bus ay natutuksong manantsing. Hindi magandang ugali ang pananantsing. Paano kung may kasama pala ang magandang tsikas na tsinatsansingan mo? Basag-ulo ang aabutin mo.

Minsan, hindi lang ang lalaki ang nanantsing. May mga babae na nanantsing din. Mag-ingat kayo sa mga babaeng ganito. Alin sa dalawa – sila’y mga kalapating mababa ang lipad o kaya’y mga miyembro ng Ativan Gang. Ang mga lalaking nananantsing sa loob ng bus o dyip ay mga KSP-Kulang sa Pansin.

Mar 1, 2007

PBA Fiesta Conference

Halos nandito na ang lahat ng import na maglalaro sa Fiesta Cup, tulad nina Rossel Ellis na balik import sa Alaska Aces, Shawn Daniels na balik import din sa Air21 Express, mga bagong imports sa kampo ng Coca-Cola Tigers na si Anthoyn Jonhson, Kris Smith ng Sta. Lucia, Charles Clark ng Welcoat Dragons, J. J Sullinger para sa TNT, at si Rod Nelay sa kampo naman ng Brgy. Ginebra. Tsika namin ay inaabangan pa rin ng Gin Kings si Chris Porter na dating import ng team. At pumipili pa rin ang San Miguel Beer kina Kelly Whitney ng Seton Hall University, Rodney Epper-son ng Mountain State University at Brian Hamilton Louisiana of Lafayette.at matutupad na rin sa wakas ang pangarap ni Compton na makalaro sa PBA sa pag-apruba ng liga noong Linggo sa pagsuot niya ng uniporme ng league newcomer Welcoat bilang second import sa Linggo kontra Coke Tigers.

wawa naman ang PF 4 key player nila ang hindi makakalaro, Marc Pingris sanhi ng pinapagaling na ankle injury, Jun Limpot na may bone spurs sa paa, Kerby Raymundo ay ipinahiram sa national team, at si Marquin Chandler dahil sa pagpapagaling ng knee injury, Natira sa team sina James Yap, Roger Yap, Noy Castillo, Rey Evangelista, rookie Boyet Bautista, Paul Artadi, Peter June Simon, Richard Yee at Jondan Salvador

PANAGBENGA 2007

"Unity Towards the Centenary... Let a Thousand Days Bloom". Ito ang naging tema ng Panagbenga 2007 at dahil hindi na naging masalimuot at wala nang halong kontrobersiya, naging matagumpay at dinumog ng halos isandaang libong mga manonood, na kinabibilangan ng mga lokal at mga dayong mamamayan gayundin ng mga banyagang umakyat sa lungsod upang saksihan ang Baguio Fower Festival o mas kilala sa tawag na Panagbenga 2007.

Umaga pa lamang ay halos hindi na mahulugan ng karayom ang kahabaan ng Session Road upang makita ang inaabangang Street Dancing ng mga grupo ng mga estudyante noong Sabado habang muling nagpatalbugan ang iba’t ibang float noong Linggo. Umabot sa 30 grupo ang nakibahagi sa float parade.

Marami namang bagong pakulo ang mga organizers ng Flower Festi val katulad ng basketball game na bukas sa lahat ng grupo at ang cheering competition na naganap noong Pebrero 26 na nilahukan ng iba’t ibang mga grupo mula sa mga paaralan sa lungsod.

Matatandaang noong nakaraang taon ay hindi gaanong naramdaman ang selebrasyon ng naturang okasyon dahil hati ang mga opisyal ng lungsod hinggil sa paglarga ng Panagbenga kung saan nais ng nasuspindeng si Mayor Braulio Yaranon na patakbuhin ng Baguio Flower Festival Association ang okasyon subalit iginiit naman ni Festival Founder Damaso Bangaoet na ang Baguio Festival Foundation ang lehitimong magpatakbo nito.