All about Handheld Gaming Pinoy

 

 

Mar 1, 2007

PANAGBENGA 2007

"Unity Towards the Centenary... Let a Thousand Days Bloom". Ito ang naging tema ng Panagbenga 2007 at dahil hindi na naging masalimuot at wala nang halong kontrobersiya, naging matagumpay at dinumog ng halos isandaang libong mga manonood, na kinabibilangan ng mga lokal at mga dayong mamamayan gayundin ng mga banyagang umakyat sa lungsod upang saksihan ang Baguio Fower Festival o mas kilala sa tawag na Panagbenga 2007.

Umaga pa lamang ay halos hindi na mahulugan ng karayom ang kahabaan ng Session Road upang makita ang inaabangang Street Dancing ng mga grupo ng mga estudyante noong Sabado habang muling nagpatalbugan ang iba’t ibang float noong Linggo. Umabot sa 30 grupo ang nakibahagi sa float parade.

Marami namang bagong pakulo ang mga organizers ng Flower Festi val katulad ng basketball game na bukas sa lahat ng grupo at ang cheering competition na naganap noong Pebrero 26 na nilahukan ng iba’t ibang mga grupo mula sa mga paaralan sa lungsod.

Matatandaang noong nakaraang taon ay hindi gaanong naramdaman ang selebrasyon ng naturang okasyon dahil hati ang mga opisyal ng lungsod hinggil sa paglarga ng Panagbenga kung saan nais ng nasuspindeng si Mayor Braulio Yaranon na patakbuhin ng Baguio Flower Festival Association ang okasyon subalit iginiit naman ni Festival Founder Damaso Bangaoet na ang Baguio Festival Foundation ang lehitimong magpatakbo nito.

0 comments: