All about Handheld Gaming Pinoy

 

 

Feb 23, 2007

Political dynasty

Nauuso na nga itong family affair sa elected positions sa pamahalaan. Ito kasing pagkakaroon ng mga magkakapamilya sa ‘appointed positions’ ay matagal nang pinapraktis.

Pero nitong huli, pati mga puwestong panghalalan ay pinapasok na rin ng magkakamag-anak.

Una itong nauso sa local posts. Kapag patapos na ang termino ng nakaupong alkalde at dead-end na sa kanya (ibig sabihin ay hindi na siya puwedeng tumakbo pa), kundi asawa ay kapatid o anak ang kanyang patatakbuhin. Kumbaga, palilipasin lang ang isang termino tapos ay babalik na naman ang orihinal na mayor.

Ginagawa ito para hindi masingitan ng kalaban. Walang bitawan, ‘ika nga! Talagang dynasty na matatawag o ang paghahari ng iisang pamilya at pagsasalin ng kapangyarihan sa iisang lahi.

Pero ngayon, ang nangyayari ay hindi na basta ipinamamana ang posisyon. Aktibung-aktibo ang nakaupong ama o ina o asawa ay tumatakbo ang isa nilang kapamilya. Kung minsan ay sa iisang opisina pa o institusyon tulad nitong sa Senado at Kamara.

Ang iba naman, para hindi mahalata ay sa lokal na posisyon tatakbo si mister o si misis o ang anak samantalang ang kapamilya ay sa Kongreso.

Bakit nagkakaganito? Dahil pinapayagan nating mga botante ang sistema ng dynasty o pagkakamal ng kapangyarihan ng isang pamilya o angkan.

Syempre, nakakita ng oportunidad ang magpapamilyang pulitiko. Kung umuubra naman at inihahalal ng mga botante ang magpapamilya sa iba’t ibang puwesto sa gobyerno, bakit nga naman hindi nila susubukan?

Ang tanong: may buti bang nagagawa ang dynasty sa ating mga mamamayan? Sabihin na nating sinusukat naman natin ang kakayahan ng mga kandidato sa indibidwal nilang kuwalipikasyon at kapasidad hindi bilang isang kapamilya ng nanunungkulan o tumatakbo ring pulitiko, tama ba ang ganito?

Hindi ba’t inilalagay natin ang kapalaran ng sambayanan o ng ating lokalidad sa kamay ng iisang pamilya? At sa sistemang ito, hindi ba’t mas malakas ang tawag ng korupsyon dahil sa nakokopo nila ang kapangyarihan na dapat ay naibabahagi rin sa iba upang magkaroon ng ‘check and balance’ sa pamahalaan?

Pag-isipan natin nang husto ito. Hindi porke’t uso ay tama!

2 comments:

Anonymous said...

isa ito sa sistema o uri ng pamahalaan na meron tayo at malabo na ito mabago kasi ang ganitong klase ng pamamalakad eh hawak na kung sino ang makapangyarihan diba..lalo na pera na gumagalaw ngayon diba..kaya kadalasan yan ang nangyayari pero sana mabago ang lahat para sa ganon magkaroon ng chance ang iba at kung sino man ang karapat-dapat..

KareL said...

pwede kaya spamming dito **rolleye**..
well obviously its the only to get into the politics world OR to keep the politics in the family.. yung iba kasing family member esp. yung mga naupo na sa mataas na posisyon nagiging obsess kaya ayaw maagawan ng kalaban.. just like showbiz!