Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawang napakahirap ng gobyerno ang buhay ng mga Pilipinong nais maging nurse sa Amerika at sa iba pang bansa, gayong napakadali lang naman sana ang pamamaraan. Katunayan, daang libong nurses ang demand simula pa ng pumasok ang bagong milenyo.
Apat na klase ng nurse ang kailangan sa USA -- (1) certified nursing assistants o CNA; (2) practical nurses o LPN; (3) associate nursing staff o ANS; at (4) registered nurses o RN. Ang mga CNA ay katumbas ng mga clinic o hospital orderly dito sa Pilipinas, ngunit ang kaibahan lang ay mga lisensyado ito ng bawat estado sa Amerika. Ang mga LPN ay lisensiyado at may karanasan na bilang CNA at kailangang lisensyado rin bilang LPN ng bawat estado. Ang mga ANS ay karaniwang nagsipagtapos ng practical nursing courses o dili kaya ay mga registered nurses na lisensyado, subalit hindi pa supervisory ang hawak na position. Samantalang ang mga RN ay karaniwang tapos nang Bachelor of Science in Nursing, lisensyado sa CNA, LPN at RN at may sapat ng karanasan at specialization upang pamunuan ang isang unit ng isang pagamutan doon.
Samakatuwid, ang ating mga produktong registered nurses o graduate ng BSN at pasado sa nursing licensure examination ng Professional Regulation Commission o PRC sa Pilipinas ay hindi automatic na registered nurse sa USA. Karaniwang panimulang trabaho ng mga Pinoy Nurse sa Amerika ay bilang nursing assistant muna. Kailangang muna nila ipasa ang iba’t ibang pasulit doon upang magkaroon sila ng lisensya. Bukod pa riyan ang actual experience doon bago sila maging LPN at ASN.
Kung tutuusin, kahit pa registered nurse ka rito sa Pilipinas at mayroon ka ng 10 taong karanasan dito, magsisimula ka pa rin sa uno. Kahit pa nga doktor ka at naging RN ka rito sa ating bansa, magsisimula ka pa rin sa umpisa roon. Matagal na itong panuntunan sa Amerika, subalit sa kasamaang palad, hindi gumagalaw ang ating gobyerno upang ilagay sa ayos ang pakikipag-ugnayan at patakaran ng schooling, training and hiring procedures for nurses from the Philippines to the USA.
Kung ganito pala ang kalakaran, bakit hindi inilalagay sa ayos ang lahat. "Amor Propio" at kawalan ng tunay na concern sa profession on the part of the Philippine Nurses Association o PNA at gobyerno sa kabilang dako. Sa Pilipinas, iisa lang ang klase ng nurse. At ito ay ang mga RN na tapos ng BSN at pasado sa board examination at lisensyado ng PRC. Ang mga nursing aide o assistant o orderly ay kung sinu-sino lang na kinukuha ng mga klinika o hospital. Sa madaling salita ang nursing assistance at practical nursing ay hindi professionalized.
PNA and PRC frown upon practical nursing and yet our RN, even if they are doctors or nursing board top placers, simply do nursing assistance and/or practical nursing as an entry point in the US. Samakatuwid, dahil sa "amor propio" o yabang ng sector na ito, hindi nakatono sa pangangailangan ng merkado. And our government is has not done enough to address this particular concern.
Feb 24, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



0 comments:
Post a Comment