* Alam n’yo ba na ang Lipa City sa Batangas ang binansagang ‘Rome of the Philippines’ dahil maraming seminaryo, kumbento, monasteryo, retreat houses at mga cathedral na matatagpuan dito?
* Alam n’yo bang unang lumipad ang Philippine Airlines noong March 15, 1941, gamit ang Beech Model 18 aircraft sa kalagitnaan ng global war? Ito ang kauna-unahang airline sa Asia.
* Ang Mount Apo na matatagpuan sa Mindanao ay ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Ito’y isang inactive volcano na may taas na 2,954 meters (9,689 feet). Samantalang ang Mt. Pulog sa Luzon ay ang pangalawa na may taas na 2, 928 meters (9,604 feet).
* Ang Pilipinas ay kauna-unahang Asian country na nanalo ng limang (5) major internartional beauty pageant crowns – dalawa para sa Miss Universe, taong 1969 at 1973, at tatlo (3) para sa Miss International, noong 1965, 1970, at 1979.
* Sa 500 kilalang coral species sa mundo, 488 dito ay matatagpuan sa Pilipinas.
* Sa walong species ng marine turtles sa buong mundo, lima ang napabalitang matatagpuan ito sa Pilipinas: ang Green Turtle, Hawkbill, Leatherback, Olive Ridley, at Logger head.
kakaiba talaga ang pinas, miski nag hihirap, may maganda paring ipinapakita......only in the philippines....
Feb 24, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



0 comments:
Post a Comment