All about Handheld Gaming Pinoy

 

 

Feb 25, 2007

Maraming pera pag eleksyon!

Maraming nagsasabing ang eleksyon ay nagsisilbi lang na dagdag na gatong sa hidwaan sa pulitika at laging pang may kasamang kaguluhan at karahasan. At ito’y korek naman. Pero ang eleksyon ay masasabi ring panahon na naman ng maliligayang araw ... kasi marami sa ating mga kababayan ang tumatabo.

Umpisahan na natin sa media, lalo na ang broadcast media, dahil sa political ads. Milyon ang usapan diyan, at kaliwaan pa. Tapos nariyan ang mga gumagawa ng jingles ng kandidato, na umaabot din sa milyon ang singilan. Nariyan ang may mga imprenta na tabo sa posters; ang gumagawa ng silkscreen para sa mga t-shirts at ang mga tambay na nagdidikit ng posters. ‘Pag medyo homestretch na, kita naman ang mga barangay lider, mga ward lider kuno, mga poll watchers, at pati na mga teachers na umaasa rin sa kikitaing allowances. Nariyan din ang mga arkiladong sasakyan na naghahatid ng mga botante sa kanilang presinto.

Magandang bonus para sa kanila, ‘di ba? Pero ang nakakapundi ay ‘yung mga nagbebenta ng kanilang boto. Okay lang sana kung tanggapin nila ang pera, tapos iboto pa rin nila ang bulong ng kanilang konsiyensiya.

Pero ang huling pagsubok sa Comelec, ay kung tunay na magiging malinis ang halalan sa Mayo?

0 comments: